Voluntarists: Ano ba ang obligasyon? (Sources of Normativity pt 2)

Ika-13 ng Junyo, 2020
Ano ba Ang Obligasyon?

Grade School Vibes

Kamusta mga pilosopo! Ano ang tawag ng pilosopo na kinakamusta sa kaibigan niya? Siya ay isang deontologist (deontolohista)! 

Kaibigan: Oh Pilosopo, Ka-Must-a! 
Pilosopo: Siyempre, I must have known kung ano ang tamang gawin! Deontolohista ako! 
Kaibigan: Weh, ano ka? ang baluktot ng ngipin mo pa naman. 

Yung nakakahiyang biruan na yan ay may ibang dahilan para sa ating kwento ngayon (pabigyan mo na ako). Yung next part ng itong gawa ni Korsgaard, "Sources of Normativity", ay tungkol sa ibang kampo ng etika– ano ba ang Obligasyon? Galing sa sagot nila, pwede ba makapagpaliwanag ang tanong ng normatibidad? Para kay Korsgaard, hindi kompleto ang mga sagot ng mga "Voluntarists" (Boluntaristas), "Realists" (Realistiko), atbp. Syempre, Kantian si Korsgaard, pero ang kanyang pagsusuri ay may halaga para sa ating paglalakbay. Diba dapat ang pagdadaan, hindi yung patutunguhan, ay yung pinakaimportante? Bakit naman? Eh kasi paano mo maintindihan yung "bagyo ng tadhana" (hi Armie :D) mo kung hindi mo alam kung saan ka galing at kung paano mo dumating dito?

Boluntarismo ay isang posisyon sa problema ng etika na mas madali maintindihan dahil ang sobrang "mainstream" neto. Yung boluntarista ay may pananampalataya sa isang pinuno na naninigurado ang aming mga obligasyon. Para sa maraming pinoy, ang konsepto ng pinuno na naninigurado ay ang Diyos; sigurado kami na yung mga masama ay pinaparusahan at ang mga matuwid ay binigyan ng ganti. Ibang halimbawa ay yung "Leviathan" ni Thomas Hobbes, isang pinuno na naninigurado ng mga obligasyon natin na hindi ang Diyos mismo pero parang si God. Yung problema ng mga boluntarismo na gumaya lang ang kanilang pinuno kay God ay halata sa halimbawang pagkakasalungatan. Mayroon na tao na may sama sa loob sa ginagawa nila na hindi pinaparusahan at mayroon din ang mga matuwid na hindi binigyan ng ganti. Dibale kung Diyos o "Leviathan" ay ang pinuno, may isa pang mas importanteng katotohanan na sinabi ko sa sulat bago nito tungkol sa normatibidad– kahit alam natin na ito ang aming obligasyon, kailangan talaga ba tayong sumunod? Para sa mga boluntaristas, siyempre, boluntaryo sila diba? 

Sekular o relihiyoso, para sa boluntaristas, ginigiit namin ang anong mahalaga sa kalikasan. Sa itong paniniwala, sumusunod na ang obligasyon ay nanggaling sa ano ang katotohanan ng mabuti o ano ang masama. Dahil nagboluntaryo na kami, yung obligasyon ay natural sa alam natin, kahit naintindihan namin kung bakit o hindi naintidihan namin; at kahit may parusa kung hindi natin gumawa ang aming obligasyon– alam na natin na meron kaming obligasyon. Sa tanong ng normatibidad, ang pinuno na nanigurado ang kailangan para ang moralidad ay maging normatibidad (Korsgaard, 1996). 

Sa wakas, yung problema ng itong tipong etiko para sa norbatibitad ay galing sa mga tanong na "bakit" kailangan ang pinuno kung hindi naman absolute yung kapangyarihan niya. Sa ilalim ng itong argumento din ang konsepto ng "social contract" ni Hobbes– si Hobbes ay nagsabi na ang tao ay tumanggap ng social contract sa kailangan ng lahat ng pinuno na naninigurado; mas may ligtas ito kaysa dumalo tayo sa "state of nature" (teoriya na bago kaming nag-politiko, hunger games style yung tipong kaguluhan ng sitwasyon natin; walang hustisya– "survival of the fittest" lamang). Ang kahulugan ng katarungan ay galing daw sa itong kompromiso. Pero bakit ba kailangan natin sumunod sa itong Social contract nito? Si pilosopo "Clarke" ay nagsabi na yung Social Contract ay kalabisan; bakit kailangan ba ang social contract? Samantala, pwede naman natin makipagtulungan sa isa't isa kung meron kaming konsepto ng obligasyon at katwiran. Kaya may problema ang mga boluntaryo, mayroon silang sobrang diin sa "internal reason" at likas ng katangian para sa konsepto ng obligasyon at ang tanong ng normatibidad. 

Sige ayan muna. Sa susunod na sulat, magtalakay kami ang mga realistas– yung walang duda na may obligasyon. 

Comments

Popular Posts